Saturday, August 6, 2011

Sino ang may Gawa?

Uy,kaibigan! Naitanong mo na ba kung sino ang gumawa na mga nasa paligid mo? Ikaw, sino ang may gawa sa iyo? Saan ka nagmula?Oo nga galing ka sa tatay at nanay mo.Pero sino ang bumuo sa iyo sa tiyan ng nanay mo? Sino ang may gawa sa iyo?

 Sino nag may gawa
 Ng langit na kay ganda
 Malaki at mataas talaga
 Sino ang kaya ang may gawa?

 Sa umaga ay nakikita 
 Sikat ng araw, mga ibong masasaya
 Sa gabi ay may buwan at mga tala
 Bigay ay liwanag sa atin tuwina.

 Sino ang may gawa
 Ng tubig pati na lupa
 Dagat,ilog,bundok,marami pa
 Para sa iyo,sa akin,sa kaniya?

 Mga kaibigan,eto pa ang isa
 Lalo akong takang-taka
 Kung sino ang may gawa
 Sa akin, sa iyo at sa kanya.

 Galaw,lakad,tawa
 Ilan sa ating nagagawa
 Sino nga kaya ang may gawa?
 Wala nang iba, ang Diyos,ating Ama.

No comments:

Post a Comment